Bagong barangay chapel ng Iglesia Ni Cristo sa Laguna, pinasinayaan

Pinasinayaan ang isang bagong barangay chapel  ng Iglesia Ni Cristo (INC) na nasa bayan ng Magdalena, Laguna na nasasakupan ng ecclesiastical district ng Laguna East.

Pinangunahan ito ng  district supervising minister na si kapatid na  Arnel M. Nacua na kung saan ay ipinahayag niyang ito ay isa nang bukod na  lokal na tinawag na  lokal ng Cabanbanan.

Ito ang ikalawang karagdagang lokal sa distrito ng Laguna East mula nang ito ay maitatag na bukod na distrito noong July 2014.

(Eagle News, Laguna East Correspondent Gem Cuanan)