
BALER, Aurora (Eagle News) — Tatlong beses na pagyanig ang naramdaman sa ilang bahagi ng Aurora medaling araw ng Miyerkules, Nobyembre 8.
Base sa pagtataya ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), unang naramdaman kaninang alas 3:54 ng madaling araw ang magnitude 3.2 na lindol, na sinundan naman ng magnitude 2 ganap na ika-4:17 ng madaling araw.
Alas sais-bente dos naman kaninang umaga (6:22 AM) nang muling yanigin ng magnitude 2.7 na lindol ang ilang bahagi ng lalawigan ng Aurora na gumising naman sa ilang mamamayan ng probinsiya.
Ayon pa rin sa PHIVOLCS, tectonic ang origin ng nabanggit na tatlong magkakasunod na pagyanig sa lalawigan.
Hindi naman dapat na mangamba ang mga mamamayang naninirahan malapit sa dalampasigan sapagkat wala naman inaasahang tsunami kasunod ng mga pagyanig.
(Eagle News Service Jerry Alcala)





