Asawa at biyenan ng isang kandidato, pinagbabaril

Photo by: Miriam Timan

Ni Miriam Timan
Eagle News Correspondent

CALBAYOG CITY, Samar (Eagle News) – Pinagbabaril ang asawa at biyenan ng kumakandidatong Barangay Konsehal na si Jaquilia Francisco ng Brgy. San Jose, Calbayog City, Samar ng mga hindi pa nakikilalang armadong kalalakihan sa Sitio Inawacan, San Jose, Lower Happy Valley, Calbayog City.

Sa inisyal na imbestigasyon ang mga biktima ay nasa kanilang farmland na may layong dalawang kilometro ang sa Brgy. Poblacion ng Brgy. San Jose.

Nang dumating ang mga armadong kalalakihan at pagbabarilin si Teodirico Francisco alyas Eddie, 56 taong gulang, residente sa nasabing barangay. Hindi pa nakuntento ang mga suspek at pinugutan pa ito ng ulo.

Ang pangalawang biktima ay nakilalang si Rodrigo Francisco, 75 taong gulang na tinamaan sa kanang braso at kanang tiyan ng kaniyang katawan. Ang pangatlong biktima ay si Procisa Francisco, 75 taong gulang na nakatakas sa likod ng kanilang nipa.

Samantala, inasikaso na ng SOCO personnel ang crime scene at narekober ang 15 FCC ng 5.56mm, isang FCC ng 7.62mm at dalawang FCC ng hinihinalang kalibre .45.

Si Rodrigo ay dinala sa ospital para lapatan ang natamong tama ng bala.

Isa sa mga tinitignang motibo ay tungkol sa darating na eleksyon sa Mayo 14. (Eagle News Service)