Arestado ang dalawang lalaki na lumalangoy patungong Singapore

Timbog ang dalawang lalaki matapos na magtangka ang mga ito na lumangoy sa dagat patungong Singapore, Biyernes ng umaga, Marso 10.

Ayon sa Coast Guard, ang dalawang lalaki na ito na nasa edad na 30 at 33 anyos ay nakitang lumalangoy sa dagat ng Woodlands Waterfront patungo sa nasabing bansa sa ganap na ala una dyes ng madaling araw (1:10 AM).

Agad namang inaresto ang dalawang suspek.

Samantala, kung napatunayan na nagkasala ang dalawa, sila ay pagmumultahin ng dalawang libong dolyar ($2,000) at makukulong ng hanggang anim na buwan.