Akiki trail, pansamantalang isinara dahil sa forest fire

(Eagle News) — Dahil sa pinsalang dulot ng naganap na forest fire sa bahagi ng Poblacion Village at Eddet Village sa Kabayan town sa lalawigan ng Benguet, pansamanatalang isinara sa mga turista ang Akiki trail na siyang pangunahing ruta patungong Mt. Pulag.

Kasunod nito ay ang pagsasara rin sa Mt. Pulag upang magsagawa ng rehabilitasyon sa lugar para sa seguridad at kaligtasan ng publiko partikular na sa mga trekker.

Sa ngayon ay hindi pa inilalabas ng Mt. Pulag management ang kanilang official statement ukol sa naging sanhi ng sunog na nangyari kamakailan.

Matatandaang Enero noong nakaraang taon, isinara ng halos anim na buwan ang Mt. Pulag matapos tupukin ng apoy ang 5.6 na ektarya ng bundok.

https://youtu.be/JnxgHkf8TT4