Aglipay cave sa lalawigan ng Quirino, isa sa maaaring pasyalan ngayong summer

Ni Edel Alias
Eagle News Correspondent

AGLIPAY, Quirino  (Eagle News) – Isa sa mga dinarayo ng mga turista ngayon ang Aglipay Cave na matatagpuan sa Barangay Villa Ventura, Aglipay, Quirino.

Hindi ito mahirap puntahan dahil tabi lamanng ito ng national highway kaya mararating ito ng lahat ng uri ng sasakyan.

Mayroon itong tatlumpo’t pitong kuweba (37 caves) na anim dito ay bukas na sa mga turista. Subalit ang pero ang karamihan dito ay hindi pa pinapayagang pasukin dahil kasalukuyan pa itong idini-develop.

Bago pumasok sa unang cave ay magbibigay muna ng instruction ang mga tourist guide upang huwag mapalampas ang mga magagandang view sa loob habang nililibot ang bahagi ng kuweba.

Matapos pasukin ang mga kuweba ay maaaring magpahinga sa Governor’s Park kung saan makikita dito ang ilang mga naglalakihang puno na bumilang na nang daang taon.

(Eagle News Service)