Seguridad sa ikalawang bugso ng BOL plebiscite, plantsado na – WesMinCom

(Eagle News) — Pipilitin ng mga otoridad na mas mapabuti pa ang pangalawang bugso ng Bangsamoro Organic Law (BOL) Plebiscite sa darating na Pebrero 6.

Ayon kay Western Mindanao Command spokesperson Col. Gerry Besana, kung may mga problema mang naranasan sa nakaraang plebisito noong Enero 21 ay pipilitin nilang maiwasan ito para sa ikaaayos ng halalan.

Kasabay nito sinabi ni Besana na handang-handa na ang buong puwersa ng Wesmincom katuwang ang Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines sa pagbibigay seguridad sa mga mamamayan.

“Yung mga naranasan natin noong akaraang January 21 kahit pa sabihin nating kakaunti lang ang naging problema ay pipilitin nating mas mapabuti pa at maiwasan ang mga aberya. Naka-ready na ang ating Armed Forces katuwang ang PNP para matulungan natin ang Commission on Elections na matapos ng maayos ang plebisito,” pahayag ni Besana.

https://youtu.be/YxY5cDen6SE