Ibinunyag ni Philippine National Police Chief Oscar Albayalde, na may ilang lokal na pulitiko sa Mindanao ang nakikipag-sabwatan umano sa mga Kidnap for Ransom Group upang makaipon ng pondo sa pangangampanya para sa nalalapit na eleksyon.
Ayon kay Albayalde, base ito sa mga nakakalap nilang intelligence report sa lugar pero patuloy daw silang naghahanap ng konkretong ebidensya upang makapagsampa ng kaso.
Tumanggi muna si Albayalde na isapubliko ang pangalan ng mga pulitikong kasabwat ng mga KFR group, pero patuloy daw nilang minomonitor ang mga ito.
“We are continuously validating the active reports of the active participation of the local officials with organized crime groups engaged in kidnapping for ransom presumably for fund raising purposes, reports have been monitored on some parts of Mindanao,” pahayag ni Albayalde.
(Eagle News Service Mar Gabriel)
https://youtu.be/m4dnnK0oQGE





