3 natitirang miyembro ng Maute-ISIS sa Lanao del Sur, patay sa operasyon ng mga awtoridad

PANTAR, Lanao del Sur (Eagle News) — Patay ang tatlong natitirang miyembro ng Maute-ISIS terrorist group sa isinagawang operasyon ng militar at pulisya sa Barangay Lumba Punud, Pantar, Lanao Del Norte.

Kinilala ang isa sa tatlong nasawi na si Omar Daiser, habang inaalam pa ang impormasyon ng dalawa pang miyembro ng Maute-ISIS.

Batay sa ulat, nakuha agad ng PNP-Pantar ang bangkay ng mga terorista at agad itong naibigay sa kustodiya ng municipal councilor ng Pantar na si Bokari Abdulgani.

Narekober din sa pinangyarihan ng engkwentro ang matataas na kalibre ng armas partikular ang apat na M16 armalite riffles, isang M203 grenade launcher, isang FAL rifle at isang Pietro Beretta 9mm pistol na may markings ng PNP, ammunition at bandoleers.