MANILA, Philippines (Eagle News) — Patuloy na binabantayan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang posible pang banta mula sa mga terror group ngayong holiday season.
Ayon kay Colonel Romeo Brawner, Deputy Commander ng Joint Task Force Ranao, hindi nila isinasantabi ang posibilidad na may mga galamay pa ng Maute-ISIS sa Marawin City kaya lagi silang naka-alerto.
Aminado si Brawner na kahit mahirap ay sanay na silang hindi kapiling ang pamilya sa pagdiriwang kapag sumasapit ang ganitong panahon dahil bahagi na ng tungkulin ng isang sundalo ang protektahan ang bansa sa lahat ng oras.
Gayunman, nakapagdiriwang pa rin naman ang ilang sundalo kapag holiday season sa pamamagitan ng makabagong teknolohiya tulad ng video call upang makita ang kani–kanilang mga pamilya.
https://youtu.be/CGN6yEocIvE





