9 katao arestado sa isinagawang buy-bust operation ng Cainta Police

CAINTA, Rizal (Eagle News) – Arestado ang siyam na indibidwal sa isinagawang buy-bust operation ng Cainta Police na ikinasa sa iba’t ibang barangay ng Cainta, Rizal nitong Linggo, April 8.

Ang mga suspek ay nasa target list ng Municipal Anti-Drug Enforcement Team (MADET).

Pinangunahan ang buy-bust operation ni Supt. Arturo Brual, Jr.

Ayon kay  Brual ang suspek ay may standing warrants of arrest sa kasong Sec. 5 RA 9165 at walang piyansang sa kanilang kasong pagbebenta ng ilegal na droga.  Bernard Gamba