6 na BIFF, patay matapos makasagupa ng militar sa Maguindanao

(Eagle News) — Hindi bababa sa anim na Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ang nasawi sa engkwentro laban sa militar sa Maguindanao Huwebes ng gabi.

Sa tulong ng Philippine Air Force nagawang masagupa ng militar ang limampung miyembro ng BIFF na pinamumunuan ng isang “Kumander Peni” sa Datu Saudi- Ampatuan.

Inatake ng militar ang kampo ng BIFF na nagresulta sa pagkamatay ng anim katao sa panig ng rebeldeng grupo.

Samantala, kinailangan paalisin ang mga naninirahan sa lugar dahil  sa panganib dulot ng palitan ng mga putok ng baril  sa pagitan ng militar at rebeldeng grupo.