4 patay matapos lumubog ang isang pumpboat sa karagatan sa Romblon

Eagle News — Apat ang kumpirmadong patay matapos bumaliktad ang isang pampasaherong bangka at lumubog ito sa karagatan nitong Biyernes.

Isa sa namatay sa insidente ng paglubog ng pumpboat sa karagatan sa pagitan ng Romblon at Sibuyan island ang resident doctor ng Sibuyan District Hospital na si Dr. Laudemir Famarin.

Patuloy na inaalam ang pagkakakilanlan ng tatlo na dead on arrival sa Romblon District Hospital.

Sa kasalukuyan ay patuloy ang ginagawang search and rescue operations ng Provincial Disaster Risk Reduction Management Office at ng Philippine Coast Guard sa sampung pasahero ng  M/B ALAD Express na hindi pa natatagpuan.

Umalis ang pumpboat na lulan ang mga 50 katao mula sa daungan ng Ambulong, sa bayan ng Magdiwang sa Sibuyan Island, patungo sana sa isla ng bayan ng Romblon.

Bumaliktad ito pasado ala-una ng hapon dahil sa malalaking alon at malakas na hangin na may ulan.