4.8 magnitude na lindol, naramdaman sa buong siyudad ng Iloilo

(Eagle News) – Naramdaman sa iba’t ibang bahagi ng probinsiya ng Iloilo ang isang lindol bandang 10:54 ng umaga.

May lakas ang lindol na magnitude 4.8 at may lalim na 8 kilometers at origin ang sanhi nito o ang tinatawag na tectonic earthquake, na ang ibig sabihin ay ang paggalaw ng ilalim ng lupa.  Naitala ang epicenter ng lindol sa San Jose, Antique.

Intensity 3 naman ang naramdaman sa buong lalawigan Iloilo, na nagdulot ng paggalaw ng maraming bagay.

Maraming mga pampubliko at pribadong establisyemento ang pansamantalang tumigil sa kanilang operasyon.   Karamihan dito ay ang mga paaralan kung saan agarang pinalabas ang mga estudyante upang makaiwas sa anomang aksidente. Ilang mga construction firm din ang tumigil sa kanilang paggawa.

Sa kasalukuyan ay wala pang naitatalang casualties sa nangyaring lindol.

Unti-unti namang pinapabalik na sa kani-kanilang mga respected room ang mga estudyante, matapos mag labas nang advisory ang pamunuan nang eskwelahan.

Eagle News Iloilo Correspondent Rey Mel Bacero