Ni Jen Alicante
Eagle News Service
IPIL, Zamboanga Sibugay (Eagle News) – Sinibak sa serbisyo ang tatlong pulis na dating naka-assign sa Zamboanga Sibugay dahil nagpositibo ang mga ito sa droga sa isinagawang random drug test.
Pinangalanan ang tatlong pulis na sina SPO1 Rigor Cenabre, PO1 Glenn Senados, at PO1 Jeffrey Manalo.
Bago ang pagsibak sa tatlo ay inilipat muna sila sa ibang lugar habang wala pa ang certificate of finality.
Sa panayam kay PSupt. Edwin Verzon, ang dismissal sa serbisyo ng tatlong pulis ay bahagi ng internal cleansing ng Philippine National Police.
Asahan aniya ng publiko na hindi kukunsintihin ng PNP ang mga pulis na mapapatunayang sangkot sa iligal na gawain partikular ang iligal na droga.





