3 police escorts ni FDA Chief Puno, sugatan matapos tambangan

(Eagle News) — Sugatan ang tatlong Philippine National Police security escort ni Food and Drug Administration Director-General Nela Charade Puno, matapos tambangan sa Lupi, Camarines Sur.

Batay sa ulat, nangyari ang insidente kaninang 9:10 ng umaga sa kahabaan ng national highway habang si Puno at ang kaniyang escorts ay nasa byahe patungong Daet, Camarines Norte.

Isinugod ang mga biktima sa Camarines Norte Provincial Hospital.

Patuloy namang nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga otoridad para matukoy ang motibo ng krimen. (Mar Gabriel)