NAVAL, Biliran (Eagle News) – Dalawampu’t anim ang nasawi, habang 23 na mga residente ang nawawala matapos na magkaroon ng landslide sa Naval, Biliran.
Ayon kay Biliran Governor Gerry Espina, karamihan sa mga nasawi at maging ang mga nawawala ay mga residenteng nakatira sa mga lugar na may naitalang pagguho ng lupa dahil sa bagyong Urduja.
Sa bayan ng Naval, sa Biliran Island, pito ang nasawi sa landslide. Labinlima katao naman ang patuloy na pinaghahanap nang gumuho ang gilid ng bundok sa Brgy. Lucsoon, Naval. Nakararanas rin ng malawakang brownout sa buong lalawigan dahil sa pagbagsak ng mga poste ng kuryente.
May kakapusan rin ng suplay ng tubig na nararanasan sa lugar. Ilang tulay rin na nag-uugnay sa biliran sa mga katabing-bayan ang naputol o ‘di kaya ay nasira. (Eagle News Service)





