12 drug suspek timbog sa buy-bust operations sa Laguna, Cavite 

(Eagle News) — Arestado ang 12 drug suspek sa ikinasang magkakahiwalay na buy-bust operation sa Laguna at Cavite.

Batay sa ulat ng Regional Police Office, target ng operasyon ang drug suspek na si Angela Borigas sa bahagi ng Barangay Canlalay sa Biñan, Laguna.

Bukod kay Angela, huli rin sa akto ang 10 pang kasamahan nito sa isinagawang drug transaction ng isang pulis na nagsilbing poseur-buyer.

Nakuha mula sa mga ito ang may dalawang gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P6,000.

Sa Cavite naman, inaresto rin ang drug suspek na si Rey Silvano sa Barangay Tanzang Luma 6 sa Imus.

Huli ito sa aktong nag-aabot ng isang pakete ng hinihinalang droga.