119th Independence Day, ipinagdiwang sa Roxas, Palawan

ROXAS, Palawan (Eagle News) – Sa Roxas, Palawan ay maagang pinasimulan ang pagdiriwang ng ika-119 na anibersaryo ng kalayaan ng bansa.

Nilahukan ang isang parada ng lahat ng mga kawani mula sa iba’t ibang opisina ng lokal ng pamahalaan, kabilang ang mga nasa hukbong tagapamayapa ng bayan sa pangunguna ng kanilang mga in-charge officers.

Kasama sa naging pagdiriwang ang pag-aalay ng bulaklak sa bantayog ng pambansang bayani.

Nagbigay ng iba’t ibang inspirational messages ang mga kinatawan ng bayan kabilang ang Municipal Local Government Operations Officer na si Bernadita Dandan at Roxas Vice-Mayor Alfredo Enojas.

Sa pahayag ni Enojas ay binigyang diin niya na dapat pakaingatan ng bawat Pilipinong mamamayan ang kalayaan na ating tinatamasa, hindi man sa mga mapanakop na dayuhan kundi higit sa mga nagbabantang supilin na muli ang kalayaan ng bawat mamamayan.

Binihyang diin niya na may mga banta ng panggugulo ng mga grupong walang ibang nais kundi ang sirain ang kapayapaan ng bansa.

Ayon kay Enojas, dapat ay maging mapagmatyag ang mga mamamayan laban sa mga nagnanais na maghasik ng kaguluhan sa bayan.

Hindi na dapat umano payagan ng bawat isa na muling sikilin ng sinuman ang kalayaang natatamasa ngayon ng bayan ng dahil lamang sa pansariling interes ng iilang ang hangad lamang ay kapangyarihan.

Sa kabuuan ay naging payapa ang pagdiriwang ng Araw ng Kasarinlan.

Anne Ramos – EBC Correspondent, Palawan

 

 

Eagle News, Palawan,Independence Day 9 Eagle News, Palawan,Independence Day 10 Eagle News, Palawan,Independence Day 11 Eagle News, Palawan,Independence Day 12 Eagle News, Palawan,Independence Day 13 Eagle News, Palawan,Independence Day 14 Eagle News, Palawan,Independence Day 15 Eagle News, Palawan,Independence Day 16 Eagle News, Palawan,Independence Day 17 Eagle News, Palawan,Independence Day 1 Eagle News, Palawan,Independence Day 2 Eagle News, Palawan,Independence Day 3 Eagle News, Palawan,Independence Day 4 Eagle News, Palawan,Independence Day 5 Eagle News, Palawan,Independence Day 6 Eagle News, Palawan,Independence Day 7 Eagle News, Palawan,Independence Day 8