100 mangingisda sa Gensan, nakatanggap ng mga bagong bangka, cash assistance

GENERAL SANTOS CITY, Philippines (Eagle News) — Isang daang mangingisda ang nakatanggap ng mga bangkang fiber glass sa General Santos City.

Ang nasabing programa ay sa ilalim ng pagbabago program ni Pangulong Rodrigo  Duterte.

Isinagawa ang turn-over ceremony sa MSV Fishing Compound sa barangay Bawing, Gen. Santos City.

Ang nasabing seremonya ay dinaluhan din ng ilang lokal na opisyal.

Hinimok naman ang mga mangingisda na nakatanggap ng mga bagong bangka na makiisa sa kampanya kontra illegal fishing sa kanilang komunidad.

Bukod sa mga bangka, binigyan din ang mga 100 mangingisda ng makina ng bangka, lambat, kawit at dalawang libong pisong kapital.