Notorious na kriminal, patay sa buy bust operation sa Parañaque City

(Eagle News) — Patay sa engkuwentro ang isang drug suspect matapos na magsagawa ng drug buy bust operation ang mga operatiba ng Paranaque Police kaninang medaling araw, Mayo 25.

Nakilala ang suspect sa alyas na “Tarat” kilalang notorious na kriminal sa lugar dahil sa pagkakasangkot nito sa kabi-kabilang holdapan at nakawan.

Nagpanggap na poseur buyer ang pulis para makipag-transaksyon kay Tarat. Nang makatunog ang suspek na pulis pala ang katransaksyon nito dito na nangyari ang putukan.

Nakasakay sa motorsiklo ang suspek kasama ang isa pang kasamahan nito na may bitbit na baril. Dito na nabaril ang suspek.

Matapos ang putukan, agad namang tumakas ang kasamahan nito.

Samantala, nagawa pang maisugod sa ospital ang suspek pero idineklara din itong dead-on-arrival kalaunan.

Narekober naman sa suspek ang isang bag na naglalaman ng tatlong sachet ng shabu na nagkakahalaga ng 300 pesos at mga drug paraphernalia.

Samantala, umuusad na ang follow up operation para sa kasamahan ni tarat na nakatakas sakay ang isang motorsiklo.