MRT, maagang nagka-aberya dahil sa diaper na nakasabit sa kawad ng kuryente

(Eagle News) — Maagang nagka-aberya ang MRT-3 kaninang umaga, Oktubre 23.

Ayon sa Department of Transportation (DOTr), ito ay dahil sa itinapong diaper na sumabit sa kawad ng MRT.

Paliwanag ng ahensya, inilagay ito sa Category 4 error dahilan upang pansamantala muna nilang itigil ang operasyon ng mga tren.

Simula alas sais- disi-sais ng umaga (6:16 AM), sinimulan ang pagpapatupad ng provisional service ng MRT.

Alas siyete trenta’y kwatro (7:44 AM) naman ng umaga nang maibalik sa normal ang biyahe.

Humingi naman ng paumanhin ang pamunuan ng MRT-3 sa nasabing aberya.