MMDA, pinaghahandaan na ang Balik Eskwela

(Eagle News) — Tututukan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang batas trapiko sa mga pangunahing lansangan malapit sa mga paaralan.

Ito ay kaugnay sa muling pagbubukas ng mga klase sa Lunes, Hunyo 4.

Ayon sa pamunuan ng MMDA, maglalagay sila ng karagdagang traffic constables sa University Belt-Manila, Katipunan Road, Edsa, Cubao, Aurora at Balintawak Cloverleaf.

Bukod pa rito ay maghihigpit din sila sa kanilang isasagawang sidewalk clearing operations.

https://youtu.be/yXsIzeJVRRc