MMDA, magpapatupad ng bagong traffic scheme sa pagbubukas ng klase 

(Eagle News) — Magpapatupad ng  bagong traffic scheme sa Ortigas ang Metropolitan Manila Development Authority bilang paghahanda sa pagbubukas ng klase sa susunod na buwan.

Sinabi ni MMDA General Manager Thomas Orbos, ito ay para sa ikaayos ng daloy ng trapiko.

Magkakaroon ng shuttle service system na ipatutupad sa ilang paaralan.

Maglalabas rin sila ng mahigit isang libong stickers sa mga pribadong sasakyan na pumapasok at lumalabas ng school grounds.

Dagdag pa rito, maglalagay ang mga paaralan ng mga paalala sa mga motorista ukol sa pinatutupad na traffic scheme.

Makikipagusap din ang MMDA sa iba pang mga eskwelahan  na nasa Katipunan Avenue.

https://youtu.be/tkjBf_UAudA