Kasambahay na nagnakaw umano sa isang condo sa Eastwood, sumuko na

QUEZON CITY, Philippines (Eagle News) – Isang ginang na ayon sa pulis ay nagnakaw kamakailan ng mahigit kumulang na P12000 mula sa kaniyang amo ng anim na oras pa lamang, ang sumuko sa mga awtoridad nitong Huwebes ng gabi, ika-12 ng Oktubre.

Kinilala  ng mga pulis ang suspek na  si Margie “Gigi” Teodoro, na naging viral sa social media nang nakawan niya umano si Yrrah Jean Pineda.

Anim na oras pa lamang ang nakalipas mula ang pagnanakaw nang kunin ni Pineda bilang kasambahay si Teodoro para sa kaniyang condo sa Eastwood, Libis.

“Natatakot po ako na madamay ang anak ko, ang pamilya ko,” pahayag ni Teodoro, nang tanungin kung bakit siya sumuko.

Itinanggi rin ng suspek ang alegasyon na 100,000 ang kaniyang ninakaw.

Wala nang na-recover kay Teodoro kundi ang bag na lamang ng kaniyang amo.

Kinasuhan na si Teodoro ng qualified theft.

Nakadetine na rin ito sa Quezon City Police District Station 12.

Ian Jasper Ellazar – Eagle News Correspondent