Dating Transportation. Sec. Abaya at iba pa, sinampahan ng reklamong graft ng DOTR

(Eagle News) — Sinampahan ng reklamong graft ng Department of Transportation and Communications (DOTR) si dating Transportation Secretary Joseph Emilio Abaya dahil sa palpak na serbisyo ng Metro Rail Transit 3 (MRT-3).

Batay sa 29 pahinang reklamong inihain ng DOTR sa Ombudsman, nasa kabuuang 649 service interruptions ang naitala ng MRT-3 sa taong 2016.

Binanggit din sa complaint ang maintenance service provider ng MRT na Busan Universal Rail Incorporated (BURI) kung saang sinabing baguhan lamang ang nasabing corporation at walang sapat na experience sa bidding.

Dawit din sa nasabing reklamo ang apat na transportation officials, anim na dating miyembro ng Bids and Awards Committee (BAC) at 10 opisyal at staff ng BURI.