Bus segregation sa EDSA-southbound ipinatutupad na ng MMDA

(Eagle News) — Sinimulan nang ipatupad ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang bus segregation policy sa southbound lane ng EDSA.

Sinabi ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na layon nitong mabawasan ang masikip na daloy ng trapiko sa kahabaan ng EDSA.

Ayon kay EDSA Traffic Chief Bong Nebrija, sa ilalim ng naturang polisiya, ang city buses ay mananatili sa first at second lanes ng EDSA.

Ang provincial, point-to-point at tourist buses naman ay ililipat sa third lanes para mga pribadong motorista.

Giit ni Nebrija, hindi naman kadalasang nagbababa at nagsasakay ang naturang mga bus kaya’t inilipat sila sa third lane.

Hindi naman sakop ng bus segregation policy ang EDSA-Santolan intersection dahil naghahanap pa ang mmda ng solusyon sa matinding trapiko sa kahabaan ng Boni Serrano Avenue.

Samantala, ayon kay Nebrija, sakaling epektibo ang bagong polisiya ay ipatutupad na rin ito sa EDSA northbound.