Barangay at SK candidates ng Quezon City, boluntaryong nagpa-drug test

(Eagle News) — Ilang mga kandidato na tatakbo sa barangay at Sangguniang Kabataan elections ay boluntaryong nagpadrug test sa Quezon City Police District (QCPD) Station 7 (Cubao station) na panawagan ng lokal ng pamahalaan.

Nagmula sa District 3 at 4 ang siyam na barangay na pumunta sa istasyon ng pulisya  sa pakikipagtulungan ng mga Land Transportation Office-accredited at Department of Health-accredited testing center.

Ang mga kandidato na pumunta ay galing sa mga sumusunod na barangay:

District 3
• Silangan
• E. Rodriguez
• San roque
• Soccorro

District 4
• Kaunlaran
• Bagong Lipunan ng Crame
• Valencia
• Horseshoe
• San Martin de Porres

Nananawagan naman si Quezon City Police District Director PCSupt. Joselito Esquivel Jr. sa mga tatakbong kandidato sa barangay at SK elections na sila ay makipagtulungan sa mga otoridad at sila naman ay willing makipagtulungan din sa kanila.

Dagdag pa ni Esquivel na umaasa siya sa mapayapang botohan.

Ilalabas ang resulta ng drug test bukas.

Ang mga kandidatong hindi umabot sa drug testing ay maaari pang sumailalim dito.Ian Jasper Ellazar

https://youtu.be/xooh7kT2prE