9-katao, sugatan sa pagbangga ng sasakyan sa isang resto sa Alabang

(Eagle News) — Siyam-katao ang sugatan matapos bumangga ang isang sasakyan sa isang restaurant sa Alabang.

Batay sa inisyal na impormasyong hawak ng mga otoridad, aksidenteng naapakan ng driver ang gas pedal na naging dahilan upang bumangga ito sa loob ng isang establisyemento sa Festival Mall.

Kita sa CCTV na inararo ng SUV ang isang pamilya na kumakain nang mangyari ang insidente.

Isa sa mga nasugatan ang isang 9 na buwang gulang na sanggol.