Wala pang Pilipinong nadamay sa terrorist attack sa Pakistan PHL Embassy

MANILA, Philippines — Wala pang nata-tanggap na ulat ang Philippine Embassy sa Pakistan kung may Pilipinong nadamay sa huling terrorist attack na ikinasawi ng pitumpung (70) tao.

Patuloy naman ang pag-monitor nila sa sitwasyon at handang mag-bigay ng tulong sa mga kababayang apektado ng insidente.

Hinimok din nila ang mga pilipinong nanga-ngailangan ng tulong na tumawag sa kanila at nagpahayag ng pakikiramay ang embahada sa mga kamag-anak at kaibigan ng mga nasawi.