(Eagle News) — Pansamantalang mawawalan ng supply ng kuryente sa Miyerkules, Hulyo 19, sa ilang bayan sa Nueva Ecija at Pampanga. Ayon sa pangasiwaan ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) at Nueva Ecija Electric Cooperative -1 (NEECO 1), ang power interruption ay magsisimula ng alas 6:00 ng umaga at matatapos ng alas 6:00 ng gabi. Ang mga apektadong lugar ay ang Gapan City, bayan ng San Isidro, San Antonio, Cabiao, Jaen, Brgy. Batitang sa bayan […]





