Tag: terorismo

Banta ng terorismo, hindi palulusutin ngayong long holiday – PNP

MANILA, Philippines (Eagle News) — Tiniyak ng Philippine National Police (PNP) na hindi makalulusot ngayong long holiday ang banta ng terorismo. Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ni National Capital Region Police Office spokesperson, Police Supt. Kim Molitas na bagaman abala ang mga otoridad para sa bakasyon hindi rin naman sila nagpapakampante sa target-hardening measures. Sa ngayon, wala pa naman umano silang natatanggap na anumang banta ng terorismo sa Metro Manila. Para matiyak ang seguridad, […]

Pangulong Duterte, namahagi ng temporary shelters sa mga residente ng Marawi

MARAWI CITY, Philippines (Eagle News) – Nasa 250 temporary shelters ang ipinamahagi sa pangunguna ni Pangulong Rodrigo Duterte noong Martes sa mga naapektuhan ng nangyaring giyera sa Marawi City. Ang mga nasabing pabahay ay matatagpuan sa housing site sa Barangay Sagonsongan – isa sa limang temporary sites para sa mga nawalan ng tirahan sa lungsod. Tatlong buwan na mula mabawi ang marawi sa mga kamay ng teroristang grupong Maute- ISIS. Ayon sa Malacañang, 20 porsiyento […]

Maute Group, sangkot sa iligal na droga ayon sa PNP

(Eagle News) – Kinumpirma ng Philippine National Police na may kinalaman sa iligal na droga ang Maute Group. Ayon kay PNP Chief Director Gen. Ronald dela Rosa, bago pa man siya maupo sa kaniyang pwesto, nakatanggap na sila ng impormasyon na nagtipun-tipon ang karamihan sa mga drug lord sa Metro Manila, Luzon at Visayas sa Marawi City. Ayon  sa heneral, protektado ng Maute Group at mga narco-politician ang mga nasabing drug lord. Ibinunyag ito ni Dela […]

Seguridad sa Palawan lalong pinaigting ng PNP

Palawan Province (Eagle News) – Lalong pinaigting ng Philippine National Police (PNP) ang seguridad sa lalawigan ng Palawan dahil sa banta ng terorismo. Ito ay kasunod na rin ng abiso ng Estados Unidos at Canada. Kaagad na nagsagawa ang kapulisan ng mga seminar sa bawat barangay sa Puerto Princesa upang imulat ang mga tao na maging alerto at maging mapagbantay sa anumang kahina-hinalang pagkilos. Ayon kay  Inspector Manyll Lamban-Marzo ng Puerto Princesa City Police Office, isinasagawa nila […]