CARMEN, Surigao del Sur (Eagle News) – Namahagi ng leaflets ang mga kapulisan sa Carmen, Surigao del Sur tungkol sa magiging masamang epekto ng paninigarilyo sa kalusugan nitong Martes, Hulyo 18. Layunin ng isinagawang aktibidad sa pangunguna ng kanilang hepe na si PSInsp. Edwin Perez na makatulong sa pagpapaalala sa publiko na ang paninigarilyo ay makasasama sa pangangatawan o kalusugan ninuman. Maagang tinungo ng ilang mga personnel ng Carmen Municipal Police Station ang mga mataong lugar at namahagi […]
Tag: Surigao del Sur
PNP-Madrid namahagi ng larawan ng most wanted personalities sa mga mamamayan
MADRID, Surigao del Sur (Eagle News) – Namahagi ng mga kopya ng larawan ng mga Most Wanted Personalities ang ilang personnel ng Madrid Police Station nitong Martes, June 13. Ito ay bahagi ng kanilang ikinakampanya kontra krimen, terorismo, at iligal na droga. Hinihikayat nila ang publiko na patuloy na makipag-ugnayan sa mga otoridad, alang-alang sa kapayapaan at seguridad ng bawat isa. Dennis Revelo – EBC Correspondent, Madrid, Surigao del Sur
Isang lalake, arestado sa isinagawang buy-bust operation ng Tagbina-PNP
TAGBINA, Surigao del Sur (Eagle News) – Arestado ang isang 42 taong gulang na lalaki matapos mahuli sa isinagawang buy-bust operation ng pulis sa Surigao del Sur kamakailan. Kinilala ng Tagbina Municipal Police Station ang suspek bilang Roy Cemadero Rojo. Nakuha mula kay Rojo ang dalawang pakete ng pinaghihinalaang shabu, drug paraphernalia at ang ginamit na marked money sa buy-bust operation sa Purok 4, Maglatab, Tagbina. Ang suspek ay dati nang sumuko sa mga awtoridad sa ilalim ng Oplan Tokhang. Kasama din […]
Suspensyon ng permit to carry firearms outside residences, ipinatutupad sa Lianga, Surigao del Sur
LIANGA, Surigao del Sur (Eagle News) – Suspendido na ang permit to carry firearms outside residences (PTCOR) sa Lianga, Surigao del Sur. Ang tanging pinapayagan lamang na magdala ng mga ito ay ang mga uniformed personnel katulad ng mga pulis at sundalo. Ito ang isa sa mga napag-usapan sa isinagawang Municipal Peace and Order Council Meeting ng lokal na pamahalaan ng Lianga kaugnay sa idineklarang martial law sa buong Mindanao. Inuobliga ng mga awtoridad ang pagdadala […]
Mangrove planting, isinagawa ng mga miyembro ng Coast Guard, CENRO sa Bislig
BISLIG, Surigao del Sur (Eagle News) — Nagsagawa ng mangrove planting sa bayan ng Hinatuan sa Surigao del Sur kamakailan. Isinagawa ng mga miyembro ng Coast Guard, Community Environment and Natural Resources Office (CENRO) ng Bislig at ng mga barangay official ng Loyola ang aktibidad bilang pakikiisa sa pagdiriwang ngayong buwan ng Mayo bilang Month of the Ocean. Sinimulang ipinagdiwang ang buwan ng Mayo bilang Month of the Ocean sa Pilipinas noong 1999, sa bisa ng […]
Brigada Eskwela, isinagawa sa mga paaralan sa Tandag, Surigao del Sur
TANDAG CITY, Surigao del Sur (Eagle News) – Nagsagawa ng Brigada Eskwela sa mga paaralan sa Tandag, Surigao del Sur, noong Sabado, May 13. Ito ay bilang paghahanda sa nalalapit na pasukan ng mga bata. Maagang dumating sa mga paaralan partikular na sa Buenavista National High School at Maticdom Elementary School ang mga teacher, mga magulang ng mga mag-aaral, ang mga kinatawan ng Department of Education, at ilang personnel ng Tandag City Municipal Police Station upang pangunahan […]
Iba’t-ibang libreng serbisyo, ipinagkaloob ng Hinatuan LGU
HINATUAN, Surigao del Sur (Eagle News) – Pinagkalooban ng libreng serbisyo ng lokal na pamahalaan ng Hinatuan ang mga residenteng nakatira sa ilang barangay doon. Sa ilalim ng programang “Bulig: serbisyong garantisado” ay nagkaloob ng libreng serbisyo ang lokal na pamahalaan sa Brgy. Baculin at Brgy. Harip. Ilan sa mga libreng ipinagkaloob sa mga residente ang: Dental Services Health Services Civil Registration Services Solemnization Services Tax Assessment and Collection Services Agriculture and Social Welfare Services Gupit […]
5 motorsiklo ng mga empleyado ng DENR, 1 bahay sa Lianga, sinunog
LIANGA, Surigao del Sur (Eagle News) – Isang bahay at limang motor na pagmamay-ari ng mga empleyado sa Department of Environment and Natural Resources ang nilamon ng apoy sa Surigao del Sur kamakailan. Ayon sa Bureau of Fire Protection sa Lianga na mabilis rumesponde sa lugar, nagsimula ang sunog sa garahe ng bahay sa Purok 2, Brgy. Banahao, na pagmamay-ari ng isang Macario Angelia. Sa garahe umano naka-park ang limang motor na pagmamay-ari ng kaniyang mga anak. Sinubukan […]
Personnel ng PNP Madrid Police Station nagsagawa ng clean up drive
MADRID, Surigao del Sur (Eagle News) – Nagsagawa ng clean-up drive ang mga miyembro ng PNP Madrid, Surigao del Sur noong Martes, May o2. Maaga pa lamang ay nagtipon na sila para sama-samang isagawa ang nasabing aktibidad. Dala ang mga gamit panglinis ay sinuyod nila ang mga basura at nagtataasang mga damo sa tabing dagat sa Barangay Union. Maaga naman nilang natapos ang nasabing gawain. Sa nakaraan ay nagsagawa na rin sila ng ganitong aktibidad sa […]
Driver ng ambulansya patay matapos sumalpok sa isang bus
LIANGA, Surigao del Sur (Eagle News) – Dead on arrival ang driver ng isang ambulansya matapos itong sumalpok sa isang bus sa Brgy. Manyayay, Lianga, Surigao del Sur. Kinilala ang biktima na si Alexander Fazon Talibong, 55 taong gulang, residente ng Poblacion, Lianga, Surigao del Sur. Ayon sa imbestigasyon ng Philippine National Police Lianga, patungong Tandag City ang ambulansya habang ang bus naman na minamaneho ni Dennis Casuco ay papuntang Butuan City. Lumampas sa kabilang lane ng kalsada ang […]
Ordinansa ukol paglalagay ng lifeguards at life saving kit ipapatupad sa Lianga, Surigao del Sur
LIANGA, Surigao del Sur (Eagle News) – Nagpatupad ng isang ordinansa ang Sangguniang Bayan ng Lianga, Surigao del Sur. Ito ay bilang tugon sa madalas na insidente ng pagkalunod ng mga bakasyunista. Inobliga nila ang lahat ng mga may-ari ng Beach Resort at mga paliguan na magkaroon ng rescue boat, life saving kit, at lifeguards. Ito ay upang magmamasid at magbabantay sa mga naliligong mga bakasyunista. Ang sinumang masusumpungan na lalabag sa ordinansa ay papatawan ng kaukulang multa […]
PNP-Madrid namahagi ng leaflets para sa ligtas na pagbiyahe
MADRID, Surigao del Sur (Eagle News) – Namahagi ng leaflets o babasahin tungkol sa maayos at ligtas na pagbabiyahe ng mga motorista at mga commuters ang kapulisan ng Madrid, Surigao del Sur. Ito ay dahil na rin sa kasalukuyan ay may mahabang bakasyon. Nakalakip sa nasabing leaflets ang mga kapamaraanan na dapat maisaalang-alang ng sinumang bumabiyahe para sa kanilang kapakanan o kaligtasan. Maging ang mga dapat ma-check up sa mga sasakyang gagamitin. Patuloy ang panawagan ng mga […]





