Tag: Sunog

Isang commercial-residential area sa Pasig City, nasunog

(Eagle News) — Nasunog ang isang commercial-residential area sa Pasig City pasado alas-nuebe kaninang umaga. Ayon kay Barangay Captain Bien Daryl Legazpi ng Kapasigan sa Pasig City, iniakyat sa ikaapat na alarma ang sunog sa Blumentritt Street. Ayon kay Legazpi, mabilis na kumalat ang apoy dahil pawang gawa sa light materials ang mga bahay. Tinatayang walumpu hanggang isandaang pamilya ang naapektuhan ng sunog. Matapos ang halos dalawang oras na sunog, idineklara namang fire-out na ng […]

Japan, nag-alok ng tulong para sa mga biktima ng “Vinta” at sunog sa Davao

(Eagle News) – Nangako ng tulong ang gobyerno ng Japan para sa mga biktima ng bagyong Vinta at ng sunog sa Davao City. Mismong si Japanese Prime Minister Shinzo Abe ang nagsabi nito kasabay ng kanyang pagpapaabot ng pakikiramay sa mga naging biktima ng bagyo at ng sunog sa NCCC mall noong Sabado, ika-23 ng Disyembre. Kabilang aniya sa ipagkakaloob na tulong ng Japan ang emergency relief goods. Ayon kay Prime Minister Abe, kaagapay ng […]

Tatlong bahay sa Baliuag, Bulacan, nasunog

BALIUAG, Bulacan (Eagle News) – Nilamon ng apoy ang tatlong kabahayan sa Concepcion, Baliuag, Bulacan nitong Linggo, Disyembre 24. Ayon sa impormasyon, nagsimula ang sunog sa bahay ng mag-asawang Corazon at Rudy Escribel. Dahil sa mabilis na pagkalat ng apoy ay nadamay ang dalawa pang bahay na pag-aari nina Sylvia Escribel at Danny Reyes. Ayon sa mga residente ay nagsimula ang sunog bandang 11:30 ng umaga at idineklarang fire-out sa ganap 2:30 ng hapon. Sa […]

Tinatayang P90K na halaga ng ari-arian, natupok sa sunog sa QC

Quezon City, Metro Manila (Eagle News) – Tinatayang P90,000 na halaga ng ari-arian ang natupok sa sunog sa Quezon City noong Miyerkules ng gabi, ika-29 ng Nobyembre. Base sa isinagawang imbestigasyon ni Senior Inspector Richard Malamug, nag-umpisa ang sunog sa ikatlong palapag ng bahay ni Violeta Huertas sa Brgy. Pinyahan bandang 6:28 p.m. Ayon kay Malamug, nasa loob ng bahay ang 97 taong gulang na ina ni Huertas nang mangyari ang sunog, subalit nakatakas naman ito […]

Sunog sumiklab sa Tondo, Manila; limang bahay nadamay

TONDO, Manila (Eagle News) — Isang sunog ang naganap sa Corcuerra, sa kanto ng Dandan Street, nitong Martes, November 28. Ayon sa ilang residente, nagsimula ang sunog sa ganap na 11:25 ng umaga. Nagmula ang sunog sa kisame ng isang bahay at kumalat na ang apoy nito hanggang nadamay na ang mga kalapit pang bahay. Umabot sa ikalawang alarma ang nasabing sunog, na tumupok sa limang bahay na pawang mga gawa sa light materials. Bandang […]

38 kabahayan sa bayan ng Molave tinupok ng apoy; halaga ng nasirang ari-arian tinatayang aabot sa Php 1M

MOLAVE, Zamboanga del Sur (Eagle News) – Nasa tatlumpung walong kabahayan ang tinupok ng apoy sa Purok African Daisy at Bliss Barangay Culo, sa bayan ng Molave sa Zamboanga del Sur, kung saan tinatayang aabot sa isang milyong piso ang halaga ng mga nasunog na ari-arian. Kabilang sa mga nasunog ang isang tindahan at tatlumpung mga kabahayan sa lugar. Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), nagsimula ang sunog sa isang bahay na pag-aari ni […]

Pitong puwesto sa palengke sa Taguig, nasunog

(Eagle News) — Halos maabo ang tindahan ng karne at gulay matapos tupukin ng apoy sa Luzon Street, Central Village, Taguig City, mag aalas-dose ng hatinggabi, itong Miyerkules. Ayon kay Taguig Bureau of Fire Protection arson investigator Hannah Velasco, faulty electrical wiring ang dahilan ng sunog na tumupok sa ilang bahagi ng pamilihan. Mabilis na kumalat ang apoy na umabot sa ikalawang alarma. Tinatayang humigit kumulang 100,000 piso ang halaga ng ari-ariang tinupok ng apoy. […]

Laboratory clinic sa Makati, nasunog

MAKATI CITY, Metro Manila (Eagle News) – Tinupok ng apoy ang isang laboratory clinic sa Makati City nitong Miyerkules ng gabi. Ayon sa security guard ng establisyimento sa Brgy. San Isidro, mag-aalas dose ng hatinggabi nang  may narinig siyang pumutok sa ikalawang palapag, at sumiklab na ang sunog. Sa isinagawang imbestigasyon ng Makati BFP, walang tao sa loob ng establisyimento na pagmamay-ari ni Dr. Simeon Romua nang mangyari iyon. Umabot sa ikalawang alarma ang sunog […]

Pinsala ng sunog sa Koronadal City, umabot sa Php 50M – BFP

KORONADAL CITY, South Cotabato (Eagle News) – Tinatayang umabot sa P50 milyon ang naitalang pinsala sa nangyaring sunog sa Koronadal City Public Market noong Martes ng gabi. Ayon sa Koronadal City Bureau of Fire Protection, hindi pa kasama sa komputasyong ito ang mga produktong naabo ng sunog. Sa datos ng Market Superior’s Office, umabot sa mahigit tatlong daang tindahan o stalls sa palengke ang partially at totally damaged dahil sa sunog. Dahil sa napakalaking pinsala, […]

Malaking bahagi ng Koronadal Public Market, nasunog

KORONADAL CITY, South Cotabato (Eagle News) – Tinupok ng apoy ang malaking bahagi ng Public Market ng Koronadal City sa nangyaring sunog noong Martes ng gabi, October 10. Sa inisyal na imbestigasyon, nagsimula ang sunog sa tindahan na nagbebenta ng tsinelas at karne bandang 8:50 ng gabi. Mabilis na kumalat ang apoy at umabot ito hanggang sa ikalawang palapag ng building. Kabilang sa mga nasunog ang law office ni Koronadal City Vice Mayor Eliordo Ogena. Agad namang […]

Nasa 500 na pamilya, nasunugan malapit sa Malacañang; Pangulong Duterte, personal na nag-abot ng tulong

(Eagle News) — Nasunugan ang tinatayang limandaang pamilya na nakatira sa Sicat Street na nasa humigit kumulang isang daan at limampung metro lamang ang layo sa Palasyo ng Malacañang. Ayon kay Barangay Chairman Jerry Bolante ng Barangay 645 San Miguel, Maynila nagsimula ang sunog sa bahay ng isang nagngangalang Oriel  “Oying” Degala. Napabayaang kandila Napabayaang kandila naman ang itinuturong dahilan ng nangyaring sunog. Mabilis naman ang naging pagkalat ng apoy sa mga katabing bahay dahil […]

2 bata, patay sa sunog sa Lipa, Batangas

LIPA, BATANGAS (Eagle News) —  Dalawang bata ang namatay nang tupukin ng apoy ang tinatayang nasa sampung bahay sa Lipa, Batangas, nitong nakaraan. Kinilala ang mga biktima na sina Xander,  apat na taong gulang, at Divon Lalucis, tatlong taong gulang. Hinihinalang natrap ang magpinsan sa kanilang bahay dahil sa mabilis na pagkalat ng apoy na nagsimula sa di pa matukoy na bahay sa Barangay Dos, alas 11:40 ng umaga. Ayon sa mga nakasaksi, napakabilis ng pagkalat […]