Tag: SCAN International

SCAN International sa Isabela nagsagawa ng Basic Life Support Seminar

Isang basic life support seminar ang isinagawa ng mga miyembro ng Society of Communicators and Networkers o kilala sa SCAN International sa lalawigan ng Isabela. Layunin ng nasabing seminar na dagliang mabigyan ng pangunang lunas at tulong hindi lamang ang mga kaanib sa Iglesia Ni Cristo, maging ang mga kababayan nating nangangailangan ng tulong. (Agila Probinsya Correspondent Jun Canlas)

Blood Donation activity ng EBC matagumpay na naisagawa

Bilang bahagi ng commitment na magbigay ng malawak na serbisyo publiko, nagsagawa ng blood donation activity ang Eagle Broadcasting Corporation. Katuwang sa nasabing activity ang Iglesia Ni Cristo Social Services Office, SCAN International, National Kidney and Transplant Institute, Department of Health (DOH), at Armed Forces of the Philippines (AFP).

Mga miyembro ng SCAN sa Marawi City, naglabas ng sama ng loob

Naglabas naman ng sama ng loob ang grupong SCAN International sa ilang miyembro ng media matapos palitawing biktima si Lowell Menorca II sa ginawang pag-aresto ng pulis. Ayon sa grupo, nakalimutan ng mga nasabing reporter at komentarista na ang biktima sa nasabing kaso ay ang mga miyembro ng SCAN at hindi si Menorca. (Agila Probinsya Correspondent Alejandro Javier)

SCAN International nagsagawa ng Traffic and Parking Seminar sa Gen. Trias, Cavite

Maliban sa pagtugon sa emergency situations, tumutulong rin ang mga miyembro ng Society Communicators and Networkers o kilala sa tawag na SCAN International sa pagsasaayos ng daloy ng trapiko. Kaya naman upang mas lalo pang mapalawak ang kanilang kaalaman ay sumailalim ang mga ito sa traffic and parking seminar na isinagawa sa General Trias, Cavite. (Agila Probinsya Correspondent Ronald Marina, V/O by: Aldrich Montecilla)

Coastal Clean Up Drive isinagawa ng mga miyembro ng SCAN International Ilocos Sur Chapter

Nagsagawa ng coastal clean-up drive ang mga miyembro ng SCAN kabilang na ang mga miyembro nito na mayroong kapansanan sa lalawigan ng Narvacan, Ilocos Sur. Ang kanilang kapansanan ay hindi naging hadlang upang ipakita ang kanilang pakikiisa sa isinagawang aktibidad. Layunin ng aktibidad na ito na makatulong at maipakita ang pagmamalasakit sa kalikasan. (Agila Probinsya Correspondent Koko Victorio)

Grand Eyeball ng SCAN International isinagawa sa Isabela

Isinagawa ang Grand Eyeball ng Society Comminicators and Networkers o mas kilala sa tawag na SCAN International sa distrito ng Isabela East noong Disyembre 25, 2015. Layunin ng nasabing aktibidad na lalo pang mapaglapit-lapit ang kalooban ng mga kapatid sa lalong ikasisigla ng kanilang mga pagtupad. (Agila Probinsya Correspondent JJ Pilon)

New arrest warrant against Menorca

Another warrant of arrest was released against expelled Iglesia Ni Cristo member Lowell Menorca as the Branch 12 of the Regional Trial Court of Lanao Del Norte issued said warrant in response to the libel case filed by the Society of Communicators and Networkers or SCAN International due to Menorca’s negative portrayal of said group.

Mahigit 800 miyembro ng SCAN International-Bulacan Chapter, sumailalim sa pagsusulit ng NTC

Upang masigurong lahat ng kanilang miyembro ay lisensyadong gumamit ng two-way radio na kanilang ginagamit sa pagtupad ng kanilang tungkulin, sumailalim sa pagsusulit ng National Telecommunications Commission (NTC) ang mahigit walang daang miyembro ng Society Communicators and Networks o SCAN International sa Bulacan. (Agila Probinsya Correspondent Paolo Koko Victorio)

SCAN International ng Capiz at Laguna Chapter, nagsampa ng kasong libelo laban kay Menorca II

Naghain na rin ng kasong libelo ang SCAN International Capiz Chapter sa itiniwalag na miyembro ng Iglesia Ni Cristo na si Lowell Menorca II. Bukod dito, nagsampa na rin ng kaso ang mga miyembro ng SCAN Internationa sa lalawigan ng Sta. Cruz, Laguna laban kina Lowell Menorca at Eliodoro “Joy” Yuson. Kaugnay ito ng malisyosong pahayag ni Menorca at Yuson patungkol sa mga miyembro ng SCAN International. (Agila Probinsya Glenn Bautista, Ben Salazar, Nathaniel Flores)