MAYNILA, Philippines (Eagle News) –Sugatan ang isang motorcycle rider matapos ma-hit and run ng hindi natukoy na sasakyan sa Tondo, Maynila madaling araw nitong Miyerkules, Agosto 23. Kinilala ang biktimang rider na si Roland Villanueva, 29 taong gulang, na nagtamo ng sugat sa may kanang bahagi ng mata at galos sa binti nang sumemplang ito matapos mabangga bandang ala una ng madaling araw sa madilim na bahagi ng Delpan Bridge. Umabot pa ng 30 minuto bago narespondehan […]





