The United States donated surveillance aircraft and began delivering weapons to the Philippines on Thursday to help its Asian country fight Islamist militants. The two Cessna C208B planes, which together with their equipment are worth more than $30 million, will track Islamic State group-styled gunmen as well as patrol maritime borders, US ambassador Sung Kim and Philippine Defense Secretary Delfin Lorenzana said. “These planes are the latest… manifestation of all that our alliance is supposed to be, […]
Tag: Rodrigo Duterte
MILF, umatras na sa planong makipagnegosasyon sa Maute sa Marawi City
(Eagle News) – Umatras na ang Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa planong pangunahan ang pakikipag-negosasyon sa Maute Terror Group sa Marawi City. Ayon kay MILF Chairman Al-haj Murad Ebrahim, magiging mahirap ang mamagitan dahil mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ang nagsabing hindi makikipag-usap ang gobyerno sa mga terorista. Malabo na aniyang makumbinseng sumuko ang mga miyembro ng Maute Group dahil tiyak na bago pa nila isagawa ang planong pag-atake ay nakahanda na ang mga ito […]
Mga residente sa Marawi City, hati ang reaksyon sa martial law extension
MARAWI CITY, Lanao del Sur (Eagle News) – Hati ang reaksyon ng mga residente sa Marawi City sa posibilidad na i-extend ang martial law sa Mindanao hanggang sa Disyembre. Ilang residente ang pabor na palawigin pa ito hanggang sa pagtatapos ng taong 2017, sapagkat nakikita nila ito bilang paraan upang maprotektahan ang mga sibilyan sa teroristang Maute Group. Gayunman, ang ibang residente ay hindi pabor dahil naiisip nila na kung palalawigin pa ang martial law […]
Hirit na martial law extension, kailangang maipaliwanag na maigi, ayon sa Makabayan bloc
QUEZON CITY, Philippines (Eagle News) – Umalma ang mga mambabatas mula sa Makabayan bloc sa hirit na palawigin pa ang idineklarang martial law ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Mindanao. Ayon kay Bayan Muna Rep. Carlos Zarate, hindi dapat madaliin ng Kongreso ang pag-apruba sa martial law extension. Sa halip, kailangan muna itong pag-aralang maigi upang malaman kung may batayan ang pagpapalawig dito. Dapat din aniyang mapaliwanag ang defense at security officials sa mga mambabatas kung […]
Nasa 6,000 na pulis, ipapakalat sa Batasan sa araw ng SONA ni Pangulong Duterte
QUEZON CITY, Philippines (Eagle News) – Nasa 6,000 ang mga pulis na ipapakalat sa paligid ng Batasan sa araw ng State of the Nation Address ni Pangulong Rodrigo Duterte. Ayon pa kay Chief Supt. Guillermo Eleazar, hepe ng Quezon City Police District, kasado na ang dayalogo ng pulis sa mga grupo na magsasagawa ng rally kasabay ng SONA sa ika-24 ng Hulyo. Sinabi ni Eleazar na bagamat pinayagan nila ang mga raliyista na makalapit sa […]
PNP Chief: Mga nasibak na pulis, hindi na makakabalik sa serbisyo
(Eagle News) – Tiniyak ni Philippine National Police (PNP) Chief Director Gen. Ronald dela Rosa na hindi na makakabalik sa serbisyo ang sinumang pulis na masasangkot sa malalaking krimen. Sinabi ni Dela Rosa na hangga’t si Pangulong Rodrigo Duterte ang namumuno, walang mare-reinstate na mga pulis na nasibak dahil sa pagkakadawit sa mga ilegal na gawain. Pangako pa ni Dela Rosa, kahit pa siya ay magretiro na at makita niyang ma-reinstate ang isa sa mga […]
Mga kritiko ng martial law ipadala na lang sa Mindanao – Sen. Sotto
(Eagle News) — Makabubuting ipadala na lamang sa Marawi City ang lahat ng mga kritiko ng idineklarang batas militar ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Mindanao. “Padala na lang lahat ng kontra sa Marawi. Sila tumapos ng gulo,” ito ang naging pahayag ni Senate Majority Leader Tito Sotto kasunod ng isinagawang oral arguments ng Korte Suprema kung saan iginigiit ng mga petitioner na walang sapat na batayan ang pagpapatupad ng martial law. Ayon kay Sotto, tila […]
Sen. Pacquiao: Pangulong Duterte alam ang ginagawa para sa bayan
(Eagle News) – Ipinagtanggol ni Senador Emmanuel “Manny” Pacquiao si Pangulong Rodrigo Duterte hinggil sa pagdedeklara nito ng martial law sa Mindanao. Ayon sa senador, dapat pa ipagpasalamat ng Pilipinas na mayroon itong matapang na Pangulo na kayang panindigan ang mga kinahaharap na problema ng bansa. “We need to be grateful because we have a firm, strong president who is fighting these problems,” ayon kay Pacquiao. Ayon pa sa Senador, batid niyang ayaw ng Pangulo na […]
Tax Reform Bill, “certified urgent” na ni Pangulong Duterte
(Eagle News) – Sinertipikahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang urgent ang unang Tax Reform Bill na naglalayong babaan ang personal income tax rates ngunit magdadagdag sa singil sa iba pang tax. Ayon kay Finance Assistant Sec. Paola Alvarez, inilabas ang sertipikasyon noong Lunes (Mayo 29) ng umaga at agad na ipinadala sa kamara. Sa Miyerkules, May 31, inaasahang ipapasa sa ikatlong pagbasa ang House Bill 5636 sa plenaryo. Ito ang substitute bill na may mga moderate […]
Alok ng MNLF na tulong vs Maute Group, tinanggap na ni Pangulong Duterte
Tinanggap na ni Pangulong Rodrigo R. Duterte ang alok ng Moro National Liberation Front (MNLF) na 5,000 tauhan para tumulong sa pagsugpo sa Maute Group. Ayon kay Pangulong Duterte, sa liham na ipinadala sa kaniya ni MNLF Chief Nur Misuari, handa niyang patulungin ang kaniyang tauhan sa operasyon ng pamahalaan laban sa mga bandidong grupo. Ayon pa kay Misuari, ito na ang kaniyang pagkakataon para mapatunayan ang kaniyang kahandaan na makipagtulungan sa gobyerno. Sa ganitong […]
Gen. Año itinalaga bilang Martial Law Administrator sa Mindanao
(Eagle News) – Pinalawig ng anim na buwan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang termino ni Armed Forces Chief of Staff Eduardo Año. Sa Hunyo 2 nakatakdang bumaba sa kaniyang pwesto ang opisyal upang maging bagong kalihim sa Department of the Interior and Local Government (DILG). Ipinaliwanag ng Pangulo na mahalaga ang papel na gagampanan ni Año sa pagpapanumbalik ng katahimikan sa Marawi City at Mindanao bilang administrador ng martial law.
Lacson, naniniwalang kinasuhan si Duterte upang ipahiya ito ngayong Asean summit
Ni Meanne Corvera Eagle News Service Hinala ni Senador Panfilo Lacson, kinasuhan si Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court upang ipahiya ito sa mga lider ng iba’t ibang bansa na magtutungo sa Pilipinas upang dumalo sa Association of Southeast Asian Nations summit ngayong buwan. Ayon pa kay Lacson, kung ang reklamong isinampa ni Atty. Jude Sabio ay nakabatay lang sa testimonya ng kanyang kliyente at self-confessed hitman na si Edgar Matobato, ito ay “as good as without merit.” Si Matobato ang humarap […]





