Gen. Año itinalaga bilang Martial Law Administrator sa Mindanao

(Eagle News) – Pinalawig ng anim na buwan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang termino ni Armed Forces Chief of Staff Eduardo Año.

Sa Hunyo 2 nakatakdang bumaba sa kaniyang pwesto ang opisyal upang maging bagong kalihim sa Department of the Interior and Local Government (DILG).

Ipinaliwanag ng Pangulo na mahalaga ang papel na gagampanan ni Año sa pagpapanumbalik ng katahimikan sa Marawi City at Mindanao bilang administrador ng martial law.