Tag: riding-in-tandem

Biktima ng motorcycle riding-in-tandem, umabot na sa halos 1,000 katao – PNP

(Eagle News) — Mula Oktubre noong nakaraang taon, umabot na sa 927 ang nabiktima ng motorcycle riding criminals sa buong bansa. Sa kabuuang bilang, 880 sa mga biktima ang napatay, habang 47 naman ang nasugatan. Ayon sa otoridad, mahigit sa isang libo ang suspek sa nasabing mga krimen, ngunit 51 pa lamang sa kanila ang naaresto habang 12 naman ang napatay sa engkwentro. Sa kasalukuyan ay 1,008 na ang bilang ng mga suspek kung saan […]

Dalawang armadong lalaki, patay matapos manlaban sa mga pulis sa Molave, Zamboanga del Sur

Ni Ferdinand C. Libor Jr. Eagle News Service MOLAVE, Zamboanga del Sur – Patay ang dalawang lalaki na may dalang granada at baril matapos manlaban umano sa mga pulis sa pinagsanib Zamboanga del Sur noong Martes, Disyembre 26. Kinilala ng pulisya ang dalawang suspek na sina Fernando Villas Limbaga at isang alyas “Roy”, na pawang mga residente ng nasabing bayan. Sa ulat ng Philippine National Police-Molave may nag-text sa kanila na isang concerned citizen na […]

Dating miyembro ng MILF, patay sa pamamaril sa Kumalarang, Zamboanga del Sur

KUMALARANG, Zamboanga del Sur (Eagle News) – Patay ang isang lalaki na dati umanong miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) matapos pagbabarilin ng riding-in- tandem sa Purok Malinawon, Barangay Poblacion, Kumalarang,  Zamboanga del Sur noong Martes, ika-28 ng Nobyembre. Kinilala ng PNP-Kumalarang si Modrika Abubacar alyas “Mog,” 35, dating miyembro ng MILF at residente sa nabanggit na barangay. Base sa imbestigasyon, habang papauwi ang biktima sa kanilang bahay bandang 10:54 ng umaga kasama ang kaniyang […]

Kaso ng riding-in-tandem, holdapan at nakawan, dumarami, ayon sa PNP

QUEZON CITY, Philippines (Eagle News) — Sabay-sabay na iprinisinta ng Quezon City Police District (QCPD) ang mga riding-in-tandem suspek na naaresto sa kanilang pinaigting na Anti-Criminality Operation. Kabilang na rito ang tatlong suspek na ito na inaresto ni PO2 Jomar Madarang noong Sabado ng hapon sa Project 6 sa Quezon City na nag-viral pa sa social media. Mga suspek, sinasabing nasa likod ng mga holdapan sa Quezon City Ang naturang mga suspek umano ang nasa […]

Barangay chairman patay, isa pa sugatan sa pag-atake ng riding-in-tandem sa Maynila

TONDO, Manila (Eagle News) — Dead on arrival sa ospital ang isang barangay chairman, at isa pa ang sugatan matapos umatake ang isang riding in tandem kagabi, ika-12 ng Oktubre sa Maynila. Makikita sa footage ng closed-circuit television camera ng Barangay 20 na nakaupo si Arnel Parce, 40, at masayang nakikipag-kuwentuhan kasama ang mga opisyal sa barangay sa Tondo nang  biglang sumulpot mula sa eskinita ang isang motorsiklo, bumaba ang isa sa mga suspek, saka pinagbabaril sa […]

Tricycle driver na sumuko na sa Oplan Tokhang, patay nang pagbabarilin

MUNTINLUPA, Metro Manila (Eagle News) – Patay ang isang tricycle driver na sumuko na sa Oplan Tokhang matapos pagbabarilin sa Muntinlupa nitong Biyernes ng umaga. Ayon sa pulisya, si Ritchel Acon-Acon, 39, ay nasa tapat ng kanyang bahay sa ICC Compound West Service Road, Brgy. Cupang, nang pagbabarilin siya ng mga suspek pasado alas 12 ng hatinggabi. “Naka-motor, single, dalawa sila,” pahayag ni Janette, asawa ng biktima. May takip din sa mukha ang mga suspek, ayon sa ilang mga […]

Mga suspect sa pagpatay sa konsehal at anak nito sa Mindoro, arestado

PUERTO GALERA, Oriental Mindoro (Eagle News) — Naaresto sa Oriental Mindoro ang riding in tandem na suspek sa pagpatay sa isang konsehal ng bayan ng Puerto Galera at sa kanyang anak nitong Miyerkules. Positibong kinilala ng isang witness sina Tirso Manlangit Tito, 39 anyos, at Rogelio Sotto Sto. Tomas, pawang mga residente ng Lipa City, Batangas, na siyang bumaril kay Melchor Arago at sa kanyang anak na si Kenneth sa tapat ng kanilang bahay sa […]

Babae patay matapos tambangan ng riding in tandem sa Quezon City

QUEZON CITY, Philippines (Eagle News) – Pinagbabaril ng mga hindi pa matukoy na suspect ang isang babae sa  Quezon City noong Lunes ng gabi, September 4. Kinilala ang biktima na si Maricar dela Cruz, 30 taong gulang. Ayon sa mga saksi, kasagsagan pa ng maraming tao nang tambangan ng dalawang lalake ang biktima na nakasakay sa motorsiklo at may takip pa sa mga mukha si Dela Cruz. Nakatambay lamang aniya sa harapan ng meat shop si […]

Pulis, patay sa pamamaril ng riding-in -tandem 

(Eagle News) — Patay ang isang pulis matapos pagbabarilin ng riding in tandem sa  Biñan City, Laguna, kamakailan. Ang biktima ay kinilalang si SPO2 Ricardo Pagua Infante, miyembro ng Biñan City Police Station. Batay sa inisyal na imbestigasyon, pauwi na ang biktima sakay ng kanyang motorsiklo nang harangin at pagbabarilin ito ng hindi pa nakikilalang suspek sa Tulay na Bato, Barangay San Antonio. Agad namang isinugod sa ospital ang biktima na nagtamo ng tama ng […]

2 sugatan sa pamamaril ng riding-in tandem sa Biñan City, Laguna

BIÑAN CITY, Laguna (Eagle News) – Dalawa katao ang agad na isinugod sa hospital ng Biñan matapos pagbabarilin ng riding in tandem. Ang biktima ay nakasakay sa kaniyang motor. Isang by-stander din ang tinamaan ng ligaw na bala sa kahabaan ng Manabat St. Bgy. San Antonio, Biñan City, Laguna. Kinilala ng Biñan City Police ang biktimang si Victor Federico, Market Collector ng Biñan City Public Market. Nagtamo ito ng dalawang tama ng bala sa leeg at […]

Riding in tandem criminals target ngayon ng kapulisan

BISLIG CITY, Surigao del Sur (Eagle News) – Kaliwa’t-kanan ang isinasagawa ngayong PNP Checkpoint sa mga pangunahing lansangan ng Surigao del Sur. Ito ay dahil halos magkasunod lamang na nabiktima ang isang security guard at isang pulis nang hindi pa nakikilalang mga suspek sakay ng motorsiklo o ang mga kawatang tinatawag na “riding in tandem.” Mahigpit namang kinondena ng kapulisan ang walang habas na papamaril at pambibiktima ng mga riding in tandem criminals sa nasabing lugar. Nagbabala […]

Nueva Ecija PNP, pinaigting ang kampanya laban sa Motorcycle-Riding criminals

HULYO 15 (Agila Probinsya) — Lalo pang pinalakas ng Nueva Ecija Philippine National Police (PNP) ang kanilang kampanya laban sa talamak na riding-in-tandems sa kanilang lalawigan. Dahil dito ay namahagi ang PNP Nueva Ecija ng flyers sa mga motorista na nagbibigay ng tips upang matulungan ang mga mamamayan laban sa motorcycle-riding criminals. (Agila Probinsya Correspondent Emil Baltazar)