PUERTO PRINCESA CITY, Palawan (Eagle News) – Itinaas ang red tide alert sa Puerto Princesa dahil sa pagsibol ng algae. Ito na ang ikalawang red tide alert sa Puerto Princesa ngayong taon. Ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), nagpositibo sa red tide toxins ang mga sample na nakuha sa mga baybayin ng Bay of Honda. Dahil dito, pansamantalang ipinagbabawal ang paghuli at pagbebenta ng halaan, talaba at tahong mula sa mga ito. […]
Tag: Red tide alert
Red tide alert nakataas parin sa Carles, Iloilo – BFAR
(Eagle News) — Nakataas parin ang red tide alert sa Carles, Iloilo. Batay sa inilabas na bulletin ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), positibo parin sa mataas na level ng paralytic shellfish toxins ang mga shellfish mula sa Gigantes Island. Kaugnay nito, pinagbawalan ng BFAR ang mga residente na manguha, magbenta o kumain ng mga shellfish at alamang mula sa nasabing isla. Sinabi naman ng bfar na ligtas kainin ang mga isda, pusit, […]
Ilang lugar sa Bohol, may red tide alert
(Eagle News) — Muling itinaas ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources-Region 7 ang red tide alert sa Bohol na sumasakop sa mga bayan ng Dauis at Tagbilaran City sa Bohol. Kaya naman mahigpit na ipinagbabawal ang pangunguha at pagbebenta ng shellfish mula sa mga nabanggit na lugar. Nagpahayag naman ng pagkabahala ang mga nagbebenta ng isda sa mga palengke sa epekto nito sa kanilang hanap buhay. Matatandaang itinaas din ang red tide alert sa […]
BFAR lifts country wide red-tide alert
MANILA, Philippines – In the latest bulletin issued by the Bureau of Fisheries and Aquatic Resources, tested shellfish showed negative results for toxin. Because of this, BFAR lifted the red-tide alert affecting the whole country. But the government agency clarified that although it is now safe to eat shellfish, consumers should still ensure that the shellfish they buy is fresh and clean. (Eagle News Service Described by Jay Paul Carlos, Video Editing by Dexter Magno, […]
Red tide idineklara ng BFAR-Capiz
AGILA Probinsya — Nagpalabas ng advisory ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BFAR-Capiz na pansamantalang ipagbabawal sa mga mamamayan ng Capiz ang pagkuha, pagkain at pagbebenta ng mga shellfish na mula sa baybayin ng Sapian. Ito ay dahil kontaminado ng red tide ang nasabing baybayin ng Sapian.
Red tide alert, ipinatupad sa ilang bayan ng Bohol
Itinaas ngayon ang red tide alert sa ilang bayan sa lungsod ng Bohol matapos tumaas ang bilang ng mga insidente ng food poisoning roon matapos makakain ng lamang dagat. Nabatid na tumaas ang red tide level sa karagatan sa Dauis, malapit sa Tagbilaran City area. Dahil rito, kasama sa mga bayan na mino-monitor ang Tagbilaran City, Dauis, Panglao at Cortez. Pansamantala namang ipinagbabawal ang pagbili at pag-titinda ng mga lamang-dagat sa mga apektadong lugar. Sa […]





