Ni Anne Ramos Eagle News Correspondent BROOKES POINT, Palawan (Eagle News) – Pinasinayaan sa bayan ng Brooke’s Point kamakailan ang bagong Brooke’s Point District Jail na matatagpuan sa Brgy. Tubtub sa nasabing munisipalidad. Ang naturang gusali ay itinayo mula sa inilaang lupa ng pamahalaang lokal ng naturang bayan na ipinagkaloob ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa pamamagitan ng deed of donation. Ito ay sa bisa ng resolution no. 2017-87 ng pamahalaang bayan […]
Tag: Puerto Princesa City
Truck na may kargang frozen wild animals, naharang sa checkpoint
PUERTO PRINCESA CITY, Palawan (Eagle News) – Arestado ang isang 36 anyos na lalaki makaraang mahulihan sa isang monitoring checkpoint sa Brgy. Sta. Lourdes na may mga kargang frozen wild animals sa minamaneho nitong truck. Ang naarestong suspek ay kinilalang si Joshue Arellano na mula umano sa Jolo Roxas, Palawan. Nakumpiska mula sa kaniya ang 21 frozen Philippine Pangolin o Balintong, dalawang sea turtles at apat na kilo ng kaliskis ng Balintong. Nakumpiska din […]
DOT-Mimaropa, kasalukuyang nagsasagawa ng visitor survey sa mga pasyalan sa Palawan
Ni Anne Ramos Eagle News Correspondent PUERTO PRINCESA CITY, Palawan (Eagle News) – Nakatakdang magsagawa ng visitor survey ang Department of Tourism-Mimaropa katuwang ang pamahalaang panlalawigan ng Palawan ngayong buwan ng Abril sa mga pangunahing destinasyon sa lalawigan. Ito ay kinabibilangan ng Coron, El Nido at Puerto Princesa City. Layunin ng naturang visitors’ surveys na mangangalap ng mahahalagang datos katulad ng accommodation establishment visitor survey, tourist attraction visitor survey at departure points visitor survey. Sinimulan […]
Honda Bay sa Puerto Princesa negatibo na sa red tide toxins – BFAR
PUERTO PRINCESA CITY, Palawan (Eagle News) – Inaalis na ng Bureau of FIsheries and Aquatic Resources ang pagbabawal sa pangunguha, pagkain at pagbebenta ng mga shellfish na nagmula sa Honda Bay sa Puerto Princesa City, Palawan. Ang naturang kautusan ay nakapaloob sa anunsyo ng BFAR noong ika-7 ng Marso. Matatandaang buwan pa ng Disyembre ng nakaraang taon nang ipagbawal ang pagkain at pagkuha ng iba’t ibang uri ng shells sa Honda Bay dahil sa pagpopositibo nito […]
Agawan ng teritoryo sa West PHL Sea, sentro ng usapan sa 23rd House of Delegates Convention
PUERTO PRINCESA CITY, Palawan (Eagle News) – Nagtipon ang mga opisyal ng Integrated Bar of the Philippines mula sa iba’t ibang panig ng bansa sa ginanap na 23rd House of Delegates Convention sa Puerto Princesa City. Nakasentro ang naturang aktibidad sa pagbuo ng mga plano at paraan upang patuloy na mapangalagaan ang West Philippine Sea, kung saan pinanghahawakan ng bansa ang ginawang desisyon ng International tribunal for the Law of the Sea (ITLOS) na pumapabor […]
Honda Bay sa Puerto Princesa City, Palawan, positibo pa rin sa red tide toxin
Ni Rox Montallana Eagle News Correspondent PUERTO PRINCESA CITY, Palawan (Eagle News) – Muling naglabas ng babala ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na ang mga shellfish na nakuha mula sa Honda Bay, Puerto Princesa City ay nanatiling positibo sa paralytic shellfish poison. Ito ay base na rin sa latest laboratory results ng BFAR at Local Government Units (LGUs). Ang ilang bahagi ng Irong-Irong, Maqueda at Villareal Bays sa Western Samar; Matarinao Bay ng Eastern Samar; […]
Bagyong Urduja, nanalasa sa bahagi ng Palawan; matinding pagbaha nararanasan
Ni Anne Ramos Eagle News Service PUERTO PRINCESA CITY, Palawan (Eagle News) – Nagmistulang swimming pool ang ilang bahagi ng Puerto Princesa City dahil sa mga pagbaha ng mga lansangan doon dulot ng malakas na ulan dahil sa bagyong Urduja. Halos hindi na madaanan ng mga sasakyan ang ilang kalye sa Barangay San Jose at Barangay Tiniguiban dahil sa mataas na tubig. Sa Barangay Irawan naman ay aabot hanggang bewang ang tubig baha. May mga […]
Motorcycle lane sa Puerto Princesa City, ipinatupad na
PUERTO PRINCESA CITY, Palawan (Eagle News) – Nagsimula nang ipatupad ng pamunuan ng City Traffic Management Office ang unang apat na araw ng ordinansang naghihiwalay sa mga dinadaanan ng mga PUV, motorsiko, tricycle at mga pribadong sasakyan. Mahigpit ding nagpapataw ng multa ang CTMO sa mga lumalabag rito. Ayon kay CTMO Special Operation Allan Mabella, marami-rami na rin ang kanilang naitala na lumabag rito ngunit kapansin-pansin umano ang pagkaunti ng mga lumalabag sa ngayon kumpara noong […]
Pagtanggal ng interes sa hospital bills, isinusulong sa Puerto Princesa
PUERTO PRINCESA CITY, Palawan (Eagle News) – Isinusulong ngayon ni Puerto Princesa Councilor Peter Maristela ang isang resolusyon sa Sangguniang Panglunsod na humihiling na alisin ang ipinapataw na interes sa mga hospital bill ng mga pasyente sa lungsod na walang sapat na kakayanan na makapagbayad. Ito ay bilang tugon na rin sa malaking suliranin na kinakaharap ng maraming mamamayan ng Puerto Princesa kaugnay sa pagkakaroon ng karamdaman. Sa naging pahayag ng konsehal, ang iniakdang resolusyon […]
Isa sa dalawang nawawalang mangingisda sa Puerto Princesa, natagpuan na
PUERTO PRINCESA CITY, Palawan (Eagle News) – Natagpuan na ang isa sa dalawang mangingisda na halos dalawang linggo ring nawala dahil sa masamang panahon nang sila ay pumalaot noong October 9. Kinilala ang nasabing mangingisda na si Rolando Warisal, 65 taong gulang, residente ng Sta. Monica, Puerto Princesa City, samantalang patuloy pa ring hinahanap ang kasama nitong si Sammy Quinio. Ayon kay Warisal, nagtungo sila sa Rasa Island sa bayan ng Narra upang doon mangisda. Ngunit […]
Pagbabawal sa paggamit ng cellphones habang tumatawid, ipapatupad na sa Puerto Princesa
PUERTO PRINCESA, Palawan (Eagle News) – Ipapatupad na ngayon sa buong Puerto Princesa City ang isang ordinansa na nagbabawal sa paggamit ng cellphone sa lahat ng mga pedestrian na tumatawid ng kalsada. Ang City Ordinance No. 833 o “Anti-Distracted Crossing Ordinance” na iniakda ni City Councilor Henry Gadiano ay naglalayong madisiplina ang lahat ng mga pedestrian sa lungsod ukol sa tamang lugar at oras ng paggamit ng mga electronic communications equipment, tulad ng cellphone, wireless telephone, […]
Puerto Princesa City Coliseum binulabog ng bomb threat
PUERTO PRINCESA CITY, Palawan (Eagle News) – Binulabog ng bomb threat ang Puerto Princesa City Coliseum noong Linggo, September 17. Ayon kay Allan Naraga, program manager ng City Coliseum, bandang 8:00 ng umaga nang may nakitang isang pouch na nakasabit sa loob ng CR ng naturang gusali. May kasama itong papel na may nakasulat na “may sasabog na bomba dito sa Puerto.” Matapos ito ay agad silang nakipag-ugnayan sa mga awtoridad. Sa pagresponde ng bomb squad […]





