(Eagle News) — Dalawang taon mula nang maupo sa pwesto ang administrasyong Duterte noong Hulyo 2016, umabot na sa mahigit walong libong pulis ang sinampahan ng kasong administratibo. Mahigit 1800 sa kanila ang nasibak na sa serbisyo. Kasama sa mga sinibak sa serbisyo ang 261 na uniformed at non-uniformed personnel na nagpositibo sa paggamit ng iligal na droga habang 29 ang nasuspinde at siyam ang demoted dahil sa pagkakasangkot sa drug activity. Sa mahigit 8,000, mahigit […]
Tag: PNP-CITF
Pitong umano’y kotong cops sa Navotas, arestado
(Eagle News) — Inaresto ng Philippine National Police-Counter-Intelligence Task Force (PNP-CITF) ang pitong pulis Navotas dahil sa tangkang pangingikil sa isang drug suspect na kanilang inaresto. Kinilala ang mga suspect na sina, PO1 Emmanuel Benedict Alojacin, PO1 Mark Ryan Mones, PO2 Jonnel Barocaboc, PO3 Kenneth Loria, PO1 Christian Paul Bondoc, PO1 Jack Rennert Etcubañas at PO2 Jessrald Pacinio na pawang mga nakatalaga sa Intelligence Unit ng Navotas Police. Base sa reklamo ng magulang ng biktima […]
Driver ng hepe ng QCPD Station 5, arestado sa pangingikil; nagpanggap pang pulis
(Eagle News) — Bandang alas-tres ng hapon (3:00 PM) kahapon, Agosto 11 nang maaresto ng Philippine National Police- Counter Intelligence Task Force (PNP-CITF) sa entrapment operation ang lalaking ito na umano’y nagpapanggap na pulis at nangikil ng labinlimang libong piso (Php 15,000) sa isang naarestong drug suspect. Kinilala ang suspek na si Joseph Ruallo na umano’y driver ng hepe ng QCPD Station 5 na si PSupt. Bobby Glen Ganipac. Nabawi sa kanya ang marked money […]
1 PCP commander, 6 na tanod, arestado dahil sa pangingikil sa Taguig City
(Eagle News) — Arestado sa entrapment operation ng Philippine National Police-Counter Intelligence Task Force (PNP-CITF) ang anim na barangay tanod at isang opisyal ng pulis sa West Bicutan, Taguig na umano’y nagpapanggap na mga pulis upang makaextort ng pera sa isang isang pahinante at kasama nito nitong Biyernes. Kinilala ang mga suspek na sina Senior Insp. Cesar Espejo, 34, precinct commander; ang mga miyembro ng Barangay Security Force na nakaassign sa Western Bicutan na sina Reggie Adrales, […]
2 pulis-Maynila, nasampolan ng PNP-CITF dahil sa pangongotong
MANILA, Philippines (Eagle News) — Dalawang pulis ang nasampolan ng Philippine National Polcie Counter Intelligence Task Force sa isinagawang operasyon sa Ermita, Maynila. Huli sa akto ang dalawa na nangongotong sa pulis na nagpanggap na taxi driver. Kinilala ang dalawang pulis na sina SPO1 Rodito Magluyan at PO3 Roel Candelario na kapwa nakatalaga sa Malate Police Station. Eagle News Service





