(Eagle News) — Muling nagbabala si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga hukom sa gitna ng kabi-kabilang mga nakalinyang proyekto ng pamahalaan kagaya ng Build, Build, Build infrastructure projects ng administrasyon. Sinabi ng Pangulo sa mga judge na pag-isipang mabuti ang magiging epekto sa mga kaliwa’t kanang government projects sa pag-iisyu ng mga ito ng injunction order kapalit ng pera. Banta ng Pangulo sa mga hukom na umayos at huwag maging daan upang maantala at matengga […]
Tag: Pangulong Rodrigo Duterte
Pangulong Duterte, binatikos si Trillanes sa pahayag nito ukol sa pagbaba ng bilang ng mga drug addict sa bansa
(Eagle News) — Binatikos ni Pangulong Rodrigo Duterte si Senador Antonio Trillanes IV sa pagkakaugnay ng public perception sa pagbaba ng bilang ng mga drug addict na bahagi ng kampanya ng gobyerno kontra droga. Sinabi ito ng Pangulo sa kaniyang pagdalo sa isang pagtitipon sa Davao City. “Some critic, a senator, s****d Trillanes said there are no more [drug addicts] because they are dead and so? Are you not happy that I am doing it […]
Pangulong Duterte, igagalang ang desisyon ng publiko sa BOL – Malacañang
(Eagle News) — Tiniyak naman ng Malacañang na igagalang ni Pangulong Rodrigo Duterte ang magiging desisyon ng taong bayan sa Bangsamoro Organic Law (BOL). Pahayag ito ng Palasyo isang linggo bago ang plebisito sa ilang bahagi ng Mindanao kung raratipikahan o hindi ang BOL. Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, tiyak na susunod ang Pangulo anuman ang nais ng publiko na sakop ng naturang batas. Kung sa tingin aniya ng Pangulo na kailangang ikampanya niya […]
EO na lilikha sa Office of the Press Secretary pinag-aaralan na ni Pangulong Duterte
(Eagle News) – Pinag-aaralan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang draft ng Executive Order na lilikha ng Office of the Press Secretary. Ayon kay Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar, dumaan na sa opisina ni Executive Secretary Salvador Medialdea ang EO. Sakaling malagdaan na ang EO, malulusaw na ang Presidential Communications Office (PCOO) at papalitan ng Office of the Press Secretary. Kasabay nito, pinabulaanan ni Andanar na si dating congressman Gilbert Remulla ang napipisil […]
Ikalawang araw ng 33rd ASEAN Summit sa Singapore naging makabuluhan – Malacañang
(Eagle News) — Naging produktibo at makabuluhan ang ikalawang araw ni Pangulong Rodrigo Duterte sa 33rd Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit sa Singapore. Ito ang inihayag ng Malacañang sa kabila nang hindi pagdalo ng Pangulo sa limang events sa ASEAN Summit. Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, dumalo si Pangulong Duterte bilang dialogue coordinator sa 21st ASEAN-China Summit kung saan kanyang iginiit ang pagsusulong code of conduct (CoC) sa pinag-aawayang teritoryo sa West […]
Suplay ng bigas mananatiling matatag sa mga susunod na araw – DTI
(Eagle News) – Makakaasa ang publiko na mananatiling magiging matatag ang suplay ng bigas sa mga susunod na araw, ayon kay Trade and Industry Secretary Ramon Lopez. Resulta ito ng polisiya ng gobyerno na mag-import ng bigas. Sinabi ng DTI na bilin ni Pangulong Rodrigo Duterte na punuin ang stock ng bigas. Kamakailan ay nakaranas ang bansa ng krisis sa bigas, matapos na bumaba ang suplay nito. Dagdag pa ni Lopez, bukod sa importation ay […]
Inagurasyon ng kauna-unahang “landport” sa bansa, pangungunahan ni Pangulong Duterte
(Eagle News) — Pangungunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang inagurasyon ng Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) sa Nobyembre 5. Sinabi ng Department of Transportation (DOTr) na ang kauna-unahang landport sa bansa ay isang multi-modal terminal para sa mga bus na may biyahe papunta at pabalik mula sa Cavite, Batangas at ilan pang lugar sa southern Luzon. Ipinaliwanag ni DOTr Sec. Art Tugade na maikukumpara sa isang airport ang mga pasilidad ng nasabing transport terminal. Layunin […]
Pangulong Duterte, tiwala pa rin kay Communications Sec. Andanar – SAP Bong Go
(Eagle News) — Nananatili pa rin umano ang pagtitiwala ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Communications Secretary Martin Andanar. Ito’y sa kabila na rin ng mga balitang papalitan umano si Andanar ng brodkaster na si Jay Sonza. Ayon kay Special Assistant to the President Bong Go, walang katotohanan ang impormasyong papalitan si Andanar. Marami na aniyang nagawang reporma si Andanar para mapaunlad ang mga himpilan ng radyo at telebisyon ng pamahalaan. Una nang itinanggi ni Sonza […]
Pagbiyahe ni Pangulong Duterte sa Israel, walang kaugnayan sa kanyang kalusugan
(Eagle News) — Mariing itinanggi ni Pangulong Rodrigo Duterte na pagpapagamot ang layunin ng kanyang biyahe sa bansang Israel at Jordan. Sinabi ng Pangulo na may kinalaman sa kapakanan ng mga Overseas Filipino Worker (OFWs) ang sa Israel at Jordan ang kanyang pagbisita sa Israel at Jordan na magsisimula sa September 2 hanggang September 5. Environment Sec. Cimatu, may gagawing misyon sa Israel at Jordan Ayon sa Pangulo, bibigyan niya ng dagdag na trabaho si […]
Death threats para kay Pangulong Duterte, hindi binabalewala – PNP
(Eagle News) — Hindi raw binabalewala ng Philippine National Police (PNP) ang umano’y mga banta sa buhay ni Pangulong Rodrigo Duterte maging lokal man o mula sa international community. Noong weekend, mismong ang Pangulo ang naghayag na pinagpaplanuhan umano siyang ipapatay ng Central Intelligence Agency ng United States. Banta sa buhay ni Pangulong Duterte, mula sa drug lords, mga rebelde at terorista – PNP Chief Albayalde Base sa kanilang nakakalap na intellegence report, nagmumula raw […]
Information drive sa panukalang federal constitution, pangungunahan ni Pangulong Duterte
(Eagle News) — Pangungunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagsisimula ng information drive sa panukalang federal constitution. Ito ang inihayag ni Executive Secretary Salvador Medialdea sa huling sesyon ng consultative committee o Con-Com na bumalangkas sa federal charter. Gayunman, wala pang impormasyon kung kailan ilulunsad ng Con-Com ang information campaign. Kabilang ang pagtatatag ng Federalismo kapalit ng kasalukuyang sistema ng gobyerno sa mga ipinangako ni Duterte noong 2016 presidential campaign.
Pangulong Duterte, bukas sa pag-amyenda ng Bangsamoro Organic Law
(Eagle News) — Bukas umano si Pangulong Rodrigo Duterte sa posibilidad ng pag-amyenda sa bagong lagdang Bangsamoro Organic Law (BOL). Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ito ay kung may mga reklamo ang iba’t-ibang sektor kaunay sa pagpasa sa batas. “Nothing is perfect. Of course the BOL as signed into law is a result of compromise. So all that the president was saying is if you have specific complaints, we are open to discuss these […]





