CALOOCAN CITY, Metro Manila (Eagle News) – Nakahandusay at wala nang buhay ang isang American national makaraang pagsasaksakin sa loob ng inuupahan nitong bahay sa Caloocan City, nitong Martes, Hulyo 11. Ang biktima na si James Budru ay wala nang suot na pang-itaas na damit at puno ng tama ng kutsilyo nang abutan ng may-ari ng inuupahan nitong kwarto sa PNR compound, Sangandaan, ala una ng madaling araw. Ayon sa kwento ng landlady na si Marissa […]





