(Eagle News) – Walang mukhang maiharap ang aabot sa pitong drug personality matapos mahuli sa isinagawang mga buy-bust operation ng Manila Police noong Lunes ng gabi, Mayo 29. Unang naaresto sa San Marcelino bandang alas-otso ng gabi (8:00 PM) ang mag-asawang Benjie at Marie Catalo. Kasunod sina Gemalyn Graffil at Ramonsito del Garcia. Nakuha ng Manila Police District Station 9 sa mga suspek ang P4,000 buy-bust money at labing isang sachet ng shabu na aabot sa 50 grams […]





