(Eagle News) – Nabawi ng militar ang dalawang kampo ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa North Cotabato. Ayon kay Western Mindanao Command Chief, Lt. Gen. Carlito Galvez, naagaw nila ang pinagkukutaan ng nasabing grupo sa Brgy. Tonganon at Brgy. Bentangan. Aabot sa tatlong libong residente ang kinailangang lumikas dahil sa pag-atake ng mga bandido. Una nang nag-kampo sa Saidona at Salibo sa Maguindanao ang BIFF ngunit dahil sa mga operasyon laban sa kanila, napilitan […]
Tag: Lt. Gen. Carlito Galvez
Kakayahan ng militar sa pag-detect ng IED paiigtingin ng Wesmincom
ZAMBOANGA CITY (Eagle News) – Lalo ngayong paiigtingin ng mga tauhan ng Armed Forces of the Philippines Western Mindanao Command (Wesmincom) ang kanilang mga kakayahan para ma-detect ang mga improvised explosive device (IED). Sa pagbisita ni Lt. Gen Carlito Galvez sa mga kampo ng sundalo sa area ng Basilan at Sulu kung saan inilulunsad ang mga military operations laban sa mga bandidong grupo, sinabi nitong dapat madagdagan ang mga kaalaman ng mga tropa sa pag-detect […]
Nasa 20 foreign terrorists kasama pa ng Maute Group sa Marawi – AFP
Eagle News – Mayroon pa umanong 20 dayuhang terorista ang kasama ng Maute Group na nakikipagbakbakan hanggang sa kasalukuyan sa tropa ng gobyerno sa Marawi City. Ayon kay AFP Western Mindanao Command Commander, Lt. Gen. Carlito Galvez, maliban pa ito sa bilang na walong iba pang foreign tourists na napatay sa mga naunang araw ng sagupaan sa siyudad. Kasabay nito, itinanggi naman ni Galvez na nasa Marawi City ang sinasabing 1,200 terorista ng isang mataas na opisyal mula Indonesia.





