ROXAS, Palawan (Eagle News) – Sa Roxas, Palawan ay maagang pinasimulan ang pagdiriwang ng ika-119 na anibersaryo ng kalayaan ng bansa. Nilahukan ang isang parada ng lahat ng mga kawani mula sa iba’t ibang opisina ng lokal ng pamahalaan, kabilang ang mga nasa hukbong tagapamayapa ng bayan sa pangunguna ng kanilang mga in-charge officers. Kasama sa naging pagdiriwang ang pag-aalay ng bulaklak sa bantayog ng pambansang bayani. Nagbigay ng iba’t ibang inspirational messages ang mga kinatawan […]





