(Eagle News) — Hinikayat ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang mga commuter na maghain ng reklamo laban sa mga mapang-abusong driver ng Grab na naniningil ng sobra-sobrang pamasahe. Ayon kay LTFRB Board Member and Spokesperson Aileen Lizada, ito ay upang matiyak na sumusunod ang Grab sa pricing scheme na itinalaga para sa Transportation Network Companies (TNC). Nakausap aniya ng ahensya ang pamunuan ng Grab at sinabi nila na sumusunod sila sa itinakdang […]





