LTFRB sa commuters: I-reklamo  ang mga mapagsamantalang Grab driver

(Eagle News) — Hinikayat ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang mga commuter na maghain ng reklamo laban sa mga mapang-abusong driver ng Grab na naniningil ng sobra-sobrang pamasahe.

Ayon kay LTFRB Board Member and Spokesperson Aileen Lizada, ito ay upang matiyak na sumusunod ang Grab sa pricing scheme na itinalaga para sa Transportation Network Companies (TNC).

Nakausap  aniya ng ahensya ang pamunuan ng Grab at sinabi nila na sumusunod sila sa itinakdang price cap.

Dagdag pa ni Lizada, nagbabala na sila sa Grab na maaari silang bawalang makabyahe kapag nakitang lumabag sila.

Ipinaliwanag din aniya ng Grab na ang price surge ay nakadepende umano sa oras at road conditions kung saan mataas ang demand ng mga pasahero.

Una rito, sinabi ni Grab Philippines Head Brian Cu na ang price surge ay limitado lamang sa 1.4 times ng regular rate nito o  katumbas ng 20 pesos hanggang 50 pesos.

https://youtu.be/FZq8K7mHHI4