Tatlong araw bago ang pagsisimula ng Seventeenth Congress. Nanumpa na kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno ang ilan sa mga nanalong senador at kongresista. Una sa mga nanumpa ay ang nagbabalik na senador na si Kiko Pangilinan na nasa ikawalong pwesto sa 2016 senatorial race. Kasama niya sa oathtaking ang kanyang asawa na si Sharon Cuneta, mga anak at ina. Pinanumpaan din ng punong mahistrado si Congresswoman-Elect Vilma Santos ng lone district ng Lipa, Batangas. […]





